Panunumpa sa saligang batas ng pilipinas

Gikan sa Bikol Sentral na Wikipedia, an talingkas na ensiklopedya
Maglukso sa: paglibotlibot, hanapon
PANUNUMPA SA SALIGANG BATAS NG PILIPINAS

Ako ay pilipino Ipinagkakapuri kong maging isang tunay na pilipino. May sariling awit, may sariling watawat, may sariling wika, at may sariling pagkatao.

Makabuluhan sa akin ang Saligang Batas ng Republika ng Pilipinas. Tinitiyak nito ang pagbuo ng isang makatarungan at maka taong lipunan. Ang pag-iral ng pamahalaang kumakatawan sa mithiin ng lahat. At nagtataguyod sa kabutihan ng bawat isa. Nangangalaga at nagpapaunlad sa pamana ng lahi.

Sinisiguro nito ang para sa atin at sa angkang susunod. Ang pagtatamo ng biyaya ng kalayaan at demokrasya. Ginagarantiyahan nito ang pananaig ng batas. At ng pamahalaang puspos ng katotohanan, pag-ibig, pagkapantay-pantay at kapayapaan.

Bilang katumbas ng mga biyayang ito, sa patnubay ng Dakilang Maykapal, mataimtim kong isinusumpa, na walang pasubaling itataguyod ko ang Saligang Batas.

Laging itatampok at bibigyang buhay. Pangangalagaan at ipagsasanggalang ko sa lahat ng anyo at paraan. Laban sa anumang uri ng pagsusuwail at kataksilan...